COVID-19 cases sa bansa 304,226 na; mahigit 19,600 na recoveries iniulat ng DOH
Umabot na sa 304,226 ang kabuuang ilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health, alas 4:00 ng hapon ngayong Sept. 27, 2020, nakapagtala ng dagdag na 2,995 na mga kaso.
Sa 304,226 na total confirmed cases, 46,372 na lang ang aktibong kaso.
Muli namang nag-ulat ng mataas na bilang ng recoveries ang DOH, sa ilalim ng kanilang Oplan Recovery.
Ayon sa DOH, may naitalang 19,630 na gumaling sa sakit kaya umabot na sa 252,510 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ng dagdag na 60 pang nasawi sa sakit.
Umabot na sa 5,344 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID0-19.
Ayon sa DOH, mayroong 6 na laboratoryo na nabigong makapagsumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).
Kabilang dito ang sumusunod na mga laboratoryo:
1. Amosup Seamen’s Hospital
2. Daniel O. Mercado Medical Center
3. Dr. Jorge P. Royeca Hospital
4. Lanao del Norte COVID-19 Testing Laboratory
5. Kaiser Medical Center Inc.
6. St. Luke’s Medical Center – BGC (GXP) (END)