COVID-19 ER, floors at ICU unit ng Medical City punuan na
Nasa full capacity status na ang COVID-19 Emergency Room, COVID-19 floors at ICU units ng The Medical City sa Pasig.
“We regret to announce that as of March 22, 2021, our COVID-19 ER, floors, and ICU units have reached full capacity status,” ayon sa pahayag.
Sa abiso ng naturang ospital, patuloy na ia-accommodate ang mga non-COVID patients sa ilalim ng “Two Systems” configuration ng pagamutan para sa COVID at Non-COVID patients.
Patuloy ang pag-monitor ng ospital sa sitwasyon sa Pasig LGU at nakikipag-ugnayan din sa One Hospital Command.