COVID-19 cases sa QC 18,476 na
Umabot sa 18,476 ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Ang nasabing bilang ay kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Sa 18,476 na kaso, 3,100 na lang ang active cases, habang 14,839 naman ang gumaling na.
Samantala, makikita pa rin ang daily COVID-19 case update ng bawat barangay sa ating website: https://t.co/EME5E9SCpm
Magkakaroon ng bagong paraan ng paglalahad ng datos ang Quezon City Government sa tulong ng OCTA Research patungkol sa mga kaso ng COVID-19.
Ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa ating lungsod. / END