COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 447,039 na

COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 447,039 na

Mayroong mahigit 1,500 na panibagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (December 11), umabot na sa 447,039 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 29,001 o 6.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,504 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.25 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 4.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

8 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,709 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 273 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 409,329 o 91.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *