COVID-19 cases sa Pilipinas 182,365 na; higit 4,000 pa ang nadagdag

COVID-19 cases sa Pilipinas 182,365 na; higit 4,000 pa ang nadagdag

Umabot sa mahigit 4,000 pang bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (August 21), umabot na sa 182,365 ang confirmed cases ng sakit sa bansa.

Ito ay makaraang may mapaulat na 4,786 na bagong kaso.

Nakuha ang mga mga bagong datos mula sa 103 out of 109 licensed laboratories.

Sa 182,365 total confirmed cases ay 64,906 na lang ang aktibong kaso.

91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.5 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 59 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 2,940 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 616 ang gumaling sa sakit kaya umakyat na sa 114,519 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *