COVID-19 cases sa bansa 329,637 na
Umabot na sa 329,637 ang kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) may naitalang 2,825 na dagdag na mga kaso.
Sa 329,637 na total confirmed cases. 49,989 na lang ang active cases.
Nakapagtala naman ng 437 na dagdag na mga gumaling kaya 273,723 na ang bilang ng recoveries sa bansa. .
May naiulat ding 60 na dagdag na nasawi.
Ayon sa DOH, ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 ay 5,925. (END)