COVID-19 cases sa bansa 237,365 na; mahigit 23,000 na dagdag na recoveries iniulat ng DOH
Umabot na sa 237,365 ang COVID-19 cases na naitatala sa bansa.
Sa case bulletin ng Department of Health (DOH) may naiulat na dagsag 2,839 na dagdag na mga kaso ng sakit.
Nag-ulat din ang DOH ng malaking bilang ng bagong naka-recover sa sakit na umabot sa 23,074.
Dahil dito, sumampa na sa 184,687 ang kabuuang bilang ng recoveries.
48,803 naman ang active cases.
Ang dagdag na 2,839 na mga kaso ay mula sa resultang inilabas ng 96 out of 115 na operational laboratories. 1
Mayroong labingsiyam na laboratoryo na nabigong magsumite ng ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).
Samantala, nakapagtala naman ng 85 dagdag na nasawi.
Umabot na sa 3,875 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. (END)