COVID-19 cases sa bansa 226,440 na
Umabot na sa 226,440 ang kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) may naitalang dagdag na 2,218 na kaso.
May naitala ding dadag na 609 na mga gumaling.
Ayon sa DOH ang total number of recoveries sa bansa ay 158,610 na.
Ang mga bagong datos ay mula sa inilabas na resulta ng 102 out of 110 operational laboratories.
Samantala, nakapagtala din ng dagdag na 27 pumanaw dahil sa sakit. (END)