COVID-19 cases sa bansa  164,474 na; nadagdagan ng mahigit 3,000

COVID-19 cases sa bansa  164,474 na; nadagdagan ng mahigit 3,000

Mahigit 3,000 pa ang nadagdag sa mga kaso ng COVID-18 sa bansa.

Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes, August 17 dagdag na 3,314 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala mula sa resulta ng test na ginawa sa 91 out of 105 na mga operational laboratories.

Dahil dito umabot na sa 164,474 ang total confirmed cases ng COVID-19 cases sa bansa.

Nakapagtala din ng 237 na dagdag na gumaling sa sakit kaya umabot na sa 112,759 ang bilang ng mga recoveries.

49,034 naman ang aktibong kaso.

Nakapagtala din ng labingwalong dagdag na nasawi sa sakit.

Ayon sa DOH, 2,681 na bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *