3 milyong doses ng bakuna ng NOVAVAX Vaccine binili ng Cavite Provincial Govt. para sa mga residente
Bumili ng tatlong milyong doses ng NOVAVAX Vaccine ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite.
Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, nag-order na ng 3,000,000 doses ng NOVAVAX (US) para mapabakunahan ang 1,500,000 na katao sa Cavite ng libre.
Ang nasabing bakuna ay para sa mga edad 18-59 years lamang.
Ang senior citizens at indigents ang nasa 1st priority naman aniya ng vaccination program ng national government.
Inaasahang sa buwan ng Hulyo ay maide-deliver na na ang nasabing mga bakuna.
Sinabi ni Remulla na ang P1.8 Billion na budget para sa nasabing mga bakuna ay pinatulung-tulungan ng mga LGU. Kasama sa pinaglaanan ng budget ang logistics, storage, delivery at registration process.
Noong Martes, April 6 ay nakapagtala ang Cavite ng record high na positive cases ng COVID-19 na umabot sa 1,844.
Apela ni Remulla sa mga residente, huwag matakot sa bakuna dahil ito lamang ang paraan para matuldukan ang pagkalat ng sakit.