Counter-terrorism chief ng NBI tinambangan sa loob ng kaniyang opisina
Tinambangan sa loob mismo ng kaniyang opisina ang hepe ng counter-terrorism division ng National Bureau of Investigation na si Raoul Manguerra.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, Martes ng madaling araw nangyari ang pananambang pero kahapon ng hapon lamang ito inilabas sa media.
Naisugod pa sa Manila Doctors Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Lavin sa mga naulila ni Manguerra.