Container vans na puno ng basura galing US naharang ng Customs sa Subic Port
Ilang containers na naglalaman ng waste materials ang naharang sa Subic Bay International Terminal ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon sa BOC, dumating sa bansa ang mga container galing sa United States at naka-consigne sa “Bataan 2020 Inc.” at idineklarang mga “American Old Corrugated Cartons for Repulping.”
Pero nang isailalim sa full examination ang mga kargamento ay natuklasang basura ang laman nito.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BOC para matukoy ang dami ng mga basura.
Ang mga nasa likod ng kargamento ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tarriff Act (CMTA) at paglabag sa environmental laws.