Contactless temperature scanners, nailagay na sa lahat ng istasyon ng MRT-3

Contactless temperature scanners, nailagay na sa lahat ng istasyon ng MRT-3

Nakapaglagay na ng contactless temperature scanners sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3.

Dahil dito, touchless at contactless na ang proseso ng temperature checking sa MRT-3 gamit ang mga bagong standalone contactless temperature scanners sa lahat ng istasyon.

Nasa 15 stand-alone temperature scanners ang nailagay sa mga designated areas ng mga istasyon, kung saan ay may nakatalagang MRT-3 personnel na siyang nagtitiyak na hindi tataas sa 37.8°C ang temperatura ng mga pasahero.

Dahil hindi na handheld ang device na gamit sa pagkuha ng temperatura, mas less contact na rin sa isa’t isa ang mga pasahero at sa MRT-3 personnel.

Magugunitang kamakailan nagkaroon ng soft launching ng bagong contact tracing web app na MRT-3 Trace.

Layon naman nitong mas mapabilis ang COVID-19 monitoring sa mga pasahero ng MRT-3. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *