Consular Office ng DFA sa Paniqui, Tarlac nakaranas ng technical issue sa kanilang Passport Online System
Nakaranas ng technical issues ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Paniqui, Tarlac.
Dahil sa technical issues ang mga nakapagpa-schedule ng appointment ng 9:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga ngayong Martes (Feb. 9) ay na-oversubscribe.
Dahil dito, na-reschedule ang appointments ng karamihan ng aplikante sa naturang CO.
Ayon sa DFA, ipinadala sa pamamagitan ng e-mail ang schedule ng bagong appointment ng mga aplikante.
Kailangang i-print ang application form, e-receipt at iba pang documentary requirements na mayroong bagong petsa ng schedule.