Common curfew ipatutupad sa Metro Manila simula sa Lunes dahil sa pagdami muli ng kaso ng COVID-19
Nagkasundo ang 17 alkalde sa Metro Manila na magpatupad ng common curfew sa loob ng dalawang linggo.
Bunsod ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular as NCR.
Batay sa napagkasunduan, simula sa Lunes, March 15, ipatutupad ang curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Kinumpirma ito ni MMDA Chairman Benhur Abalos.
Ang parusa sa mga lalabag sa curfew ay depende sa ordinansa ng bawat lokal na pamahalaan.