Comelec QC Districts 2 at 4 sarado hanggang Sept. 20
Sarado hanggang sa September 20 ang tanggapan ng Commission on Elections sa Quezon City Districts 2 at 4.
Batay sa ito sa abiso na inilabas ng poll body.
Ayon sa Comelec, nagsimula ang pagsasara ng dalawang Comelec Offices sa QC noong Sept. 16 para bigyang daan ang emergency disinfection.
Sa Sept. 21, 2020 magre-resume ang voter registration sa Comelec QC Dist. 2 at 4.