Colorum na van huli sa operasyon ng I-ACT; naniningil ng P2,500 bawat pasahero galing Romblon

Colorum na van huli sa operasyon ng I-ACT; naniningil ng P2,500 bawat pasahero galing Romblon

Nagsagawa ng operasyon ang Inter Agency Council for Traffic (IACT) sa may bahagi ng Lawton sa Lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga nahuli ang mga colorum na van, out of line na jeep, at maging mga motorsiklo na ang mga driver ay hindi sumusunod sa tamang polisiya.

Ayon kay I-ACT chief, Col. Joel Bonnevie, isang van galing Romblon ang kanilang naharang at nang tanungin ang driver ay natuklasang naningil ito ng P2,500 sa bawat pasaherong sakay niya.

Isang van din ang nasita sa bahagi ng Roxas Boulevard, pero tumakas ang driver nito at iniwanan ang sasakyan at mga pasahero.

Ang mga colorum na van ay mai-impound at P200,000 ang multa bago ito muling matubos ng may-ari.

Isang pampasaherong jeep din na may rutang patungo ng Divisoria pero nangontrata ito ng mga construction worker.

Habang mayroon ding mga rider ng motorsiklo ang tinikitan dahil nakasuot lang ng shorts at tsinelas at ang iba ay gumagamit lamang ng nutshell at substandard na helmet. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *