Coast Guard tutulong sa pagpapatupad ng health protocols at safety measures sa kapistahan ng Black Nazarene

Coast Guard tutulong sa pagpapatupad ng health protocols at safety measures sa kapistahan ng Black Nazarene

Magde-deploy ng land at floating assets ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa kapistahan ng Black Nazarene sa January 9, 2021.

Inatasan na ni PCG Commandant, Admiral George V. Ursabia Jr. ang Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon (CGDNCR-CL) na ihanda ang security personnel at land at floating assets nito para sa pagpapatupad ng city-wide health protocols at safety measures.

Kasunod ito ng pasya ni Manila City Mayor Isko Moreno at ng pamunuan ng Quiapo Church na kanselahin ang taunang pagtitipon ng mga deboto para sa Traslacion dahil sa pandemic ng COVID-19.

Kasabay nito hinimok ng Coast Guard ang mga deboto na bibisita sa Quiapo Church, Sta. Cruz Church, San Sebastian Church, at iba pang mga simbahan sa lungsod para dumalo ng misa na sumunod sa health protocols para na rin sa kanilang kaligtasan. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *