Coast Guard nanawagan ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Auring sa Mindanao
Nanawagan ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga nasalanta ng bagyong Auring sa Mindanao.
Magkakasa ng relief operations ang Coast Guard sa pamamagitan ng Coast Guard Logistics Systems Command nito para matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Partikular na kailangang tulong ang mga ready-to-consume at easy-to-prepare na pagkain, bigas, kumot, sanitized clothes, hygiene kits, toiletries, mosquito nets, slippers, tents, medicines, face masks, face shields, at alcohol.
Ang mga frontliner sa mga apektadong rehiyon ay nangangailangan din ng PPE sets.
Ang mga donasyon ay maaring dalhin sa pinakamalapit na PCG unit.
Maaring makipag-ugnayan sa Coast Guard Logistics Systems Command sa sumusunod na deltaye:
Operations Hotline: 0917-815-6913
Operations Email: cglsc@coastguard.gov.ph
Online Donation Form: https://forms.gle/7MsRnM6yfBgLzhaX8