Coast Guard nakapagtala ng mahigit 4,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan
Simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Dec. 30, 2020 umabot sa mahigit 4,000 ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan.
Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020 ng Coast Guard, mayroong 3,246 na outbound passengers at 1,377 inbound passengers ang kanilang na-monitor.
Mayroong 1,403 na tauhan ng Coast Guard na nakakalat sa mga pantalan sa bansa.
Nagsagawa sila ng inspeksyon sa nasa 61 mga barko at 22 motorbancas.