Coast Guard nagtaas na ng heightened alert sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Auring
Nakahanda na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na maapektuhan ng tropical storm Auring.
Inatasan ni Coast Guard Commandant, Admiral George V. Ursabia Jr. ang lahat ng Coast Guard units sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo na paigtingin ang kanilang paghahanda at magsagawa na ng proactive disaster response operations.
Nagpalabas na din ng abiso sa mga mangingisda, ship crew, at iba pang maritime stakeholders hinggil sa pagpapatupad ng ‘No Sail Policy’ sa mga apektadong lugar.
Itinaas na ng Coast Guard ang heightened alert sa mga distrito nito sa Southern Luzon, Visayas, Northern Mindanao, at Davao para masigurong may sapat na bilang ng tauhan na maipapakalat.
Naka-standby naman para sa posibleng augmentation ang Coast Guard vessels, air assets, at land mobility vehicles sa National Headquarters at major PCG units.