Coast Guard naghahanap ng kwalipikadong kadete para sa International Cadetship Program sa US Coast Guard Academy

Coast Guard naghahanap ng kwalipikadong kadete para sa International Cadetship Program sa US Coast Guard Academy

Naghahanap na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kwalipikado at interesadong aplikante para sa International Cadetship Program sa US Coast Guard Academy (USCGA) – Class of 2025.

Ang mapipiling aplikante mai-aadmit bilang regular cadets sa USCGA at makatatanggap ng financial assistance para maipangtustos sa tuition fees, monthly payments, allowances, accommodation at transportation costs.

Sa sandaling makapagtapos na, ang kadete ay magiging regular commissioner officer na ng Philippine Coast Guard na may ranggong “ensign”.

Required din silang sumailalim sa minimum na walong taon na tuluy-tuloy na active service.

Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang website ng PCG sa https://bit.ly/32UCwUB

Ang deadline sa pagsusumite ng unang requirement partikular ang resulta ng Scholastic Aptitude Test (SAT) o American College Testing (ACT) ay sa Dec. 28, 2020.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *