Coast Guard magtataas ng alerto sa Christmas season
Itataas sa heightened alert ang alert status ng Philippine Coast Guard (PCG) simula December 16 2021 hanggang January 5, 2022 bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021 ng Department of Transportation – Philippines (DOTr).
Inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo V. Laroya ang lahat ng District, Station, at Sub-Station Commanders na makipag-ugnayan na sa mga ahensya ng gobyerno para masiguro ang seguridad sa mga pantalan, sa lahat ng lugar sa bansa dahil sa pagdagsa ng mga pasahero sa parating na Christmas season break.
Iniutos din ni Laroya na tiyakin na hindi mapapayagan ang operasyon ng mga colorum o undocumented watercrafts.
Kasama ring inalerto ang civilian arm ng PCG, volunteers ng PCG Auxiliary (PCG) na maghanda sa posibilidad na pagsasagawa ng rescue operations o relief missions sa kasagsagan ng Christmas season. (DDC)