Coast Guard ipinakita na ang dalawang bagong helicopters na made in Germany

Coast Guard ipinakita na ang dalawang bagong helicopters na made in Germany

Ipinasilip na sa publiko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang bagong light twin engine helicopters nito na ginawa at dinesenyo sa Germany.

Ang dalawang bagong chopper ay bahagi ng mga bagong kagamitan ng Coast Guard Aviation Force (CGAF).

Ang bagong aerial assets na mayroong tail numbers CGH-1451 at CGH-1452 ay mayroong high frequency radios, emergency flotation gears, fast-roping, cargo sling, search light, at electro-optical systems.

Magagamit ito sa pagsasagawa ng critical missions gaya ng search and rescue, medical evacuation, at maritime patrol operation.

Ngayong may COVID-19 pandemic, gagamitin ang dalawang bagong chopper sa humanitarian assistance at disaster response operations ng PCG.

Kabilang dito ang paghahatid ng mga personal protective equipment (PPE) sets, medical supplies, at mga gamot sa malalayong lugar at coastal communities.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *