Climate change tinalakay sa pag-uusap sa telepono nina Foreign Affairs Sec. Locsin at U.S. Special Presidential Envoy John Kerry.

Climate change tinalakay sa pag-uusap sa telepono nina Foreign Affairs Sec. Locsin at U.S. Special Presidential Envoy John Kerry.

Nagkausap sa telepono sina Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. at U.S. Special Presidential Envoy for Climate John F. Kerry.

Kabilang sa tinalakay ng dalawang opisyal ang mga pangunahing hakbang para matugunan ang climate crisis.

BInati din ni Locsin ang Estados Unidos sa matagumpay na hosting ng Leaders Summit on Climate na idinaos noong April 22 at 23.

Binigyang-diin ni Locsin na ang climate change ang isa sa mga prayoridad na matugunan ng gobyerno ng Pilipinas.

Kamakailan isinumite ng pamahalaan sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang Nationally Determined Contributions (NDC) nito kung saan target ang 75% greenhouse gas emissions reduction and avoidance pagsapit ng 2030.

Kapwa din kinilala nina Secretary Locsin at Special Presidential Envoy Kerry na pagdating sa usapin sa climate change ay maaring magkatulungan ang Pilipinas at ang US.

Sumang-ayon din ang dalawang opisyal na para i-promote ang pagkakaroon ng collaboration sa climate crisis sa buong mundo.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *