Chinese na biktima ng kidnapping, nailigtas sa Cavite
Nailigtas ng PNP ang isang Chinese kidnap victim sa Cavite sa ikinasang operasyon Huwebes (Mar. 4) ng madaling araw.
Ayon kay PNP Chief, Police General Debold Sinas, nailigtas ang biktimang si Chen Mingjon ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Barangay Tibig, Silang Cavite ilang oras matapos siyang dukutin.
Ayon kay Sinas, isa pang Chinese na nakilalang si Jiaqui Chen, ang nagtungo sa AKG headquarters para iulat ang nangyari kay Chin Mingjon.
Nasaksihan mismo ng mga tauhan ng AKG ang pag-contact ng mga suspek kay Chen para humingi ng dagdag na ransom maliban pa sa 53,000RMB Chinese currency na nauna nilang naibigay sa pamamagitan ng mobile at online payment.
Alas 9:30 ng gabi ng Miyerkules, sinabi ng mga suspek na pinalaya na nila ang biktima at nagbigay pa ng lokasyon kung saan ito makikita.
Agad nagtungo ang mga tauhan ng AKG sa Brgy., Kaong, Silang, Cavite at doon nailigtas si Mingjon.
Ayon sa biktima, dinukot siya ng pitong suspek na pawang mga Filipino at dinala sa isang bahay.