China nagbabala na sisiklab ang gulo kung maghuhukay ng langis ang Pilipinas sa West Philippine Sea
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na guguluhin ng China ang Pilipinas kung itutuloy ang planong paghuhukay ng oil o langis sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, personal niyang sinabi kay Chinese President Xi Jinping ang planong paghuhukay ng langis nang bumisita sa China noong mga nakaraang taon kasama ang ilang cabinet officials.
Ayon sa pangulo, pabulong ang naging tugon sa kanya ni Xi at sinabing magkakagulo ang dalawang bansa kapag itinuloy ang naturang plano.
Ayon sa pangulo, pinagsabihan siya ni Xi na huwag ituloy ang plano dahil tiyak na aasim ang relasyon ng Pilipinas at China.
Sinabi umano ni Xi na nakapanghihinayang kung masisira ang magandang relasyon lalo’t ngayon pa lamang gunaganda ang pagkakaibigan ng Pilipnas at China.
Bagaman nanalo na ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, hindi naman ito kinikilala ng China. (Faith Dela Cruz)