Centralized cooling system sa NAIA T3 sasailalim sa system upgrade

Centralized cooling system sa NAIA T3 sasailalim sa system upgrade

Pansamantalang papatayin ang centralized cooling system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Martes at Miyerkules.

Ito ay para sa isasagawang 12-hour system upgrade.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), sisimulan ang pag-shutdown sa centralized cooling system alas 9:00 ng gabi ng Martes (July 16) hanggang alas 9:00 ng umaga ng Miyerkules (July 17).

Sa nasabing mga oras, tanging fans at blowers lamang ng air conditioning units ang gagana.

Sa pagtaya ng MIAA, aabot sa 27,000 na arriving at departing passengers ang maaapektuhan ng 12-hour interruption.

Ilalagay naman sa high alert ang medical team ng MIAA para agad makaresponde sakaling magkaroon ng medical emergency. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *