Central Luzon Link Expressway hanggang Aliaga, Nueva Ecija bubuksan sa Hulyo

Central Luzon Link Expressway hanggang Aliaga, Nueva Ecija bubuksan sa Hulyo

Nakatakda nang buksan sa buwan ng Hulyo ang Central Luzon Link Expressway hanggang Aliaga, Nueva Ecija.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar ang CLLEX ay magsisilbing alternatibong ruta sa mga motorista patungong Nueva Ecija.

Sa kabila ng pandemya ng COVID-19 ay nagpatuloy ang konstruksyon sa unang 18-kilometer segment ng CLLEX.

Makikinabang dito ang mga motorista mula SCTEX/TPLEX patungo sa Aliaga-Guimba Road sa Aliaga, Nueva Ecija.

Ani Villar ang contract packages 1 at 2 sakop ang Tarlac Section at Rio Chico River Bridge Section at may habang 10.5 kilometers ay nakumpleto na.

Habang ang konstruksyo ng 9.2 kilometers contract package 3 – Aliaga Section ay 87 percent nang kumpelto.

Ang nasabing proyekto ay pinaglaanan ng ₱11.811 Billion na pondo na ni-loan mula sa Japan International Cooperation Agency.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *