Cavite nakapagtala ng zero reported cases ng COVID-19 noong Linggo
Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cavite kahapon, January 3, 2021.
Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, unang pagkakataon na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan simula nang magkaroon ng ECQ lockdown noong Marso 2020.
Sa latest report ng Provincial Health Surveillance Officer ay nagtala ng zero reported cases ng COVID-19 sa buong Cavite, kahapon January 3, 2020.
Pero ayon kay Remulla, hindi pa dapat magdiwang.
“But don’t celebrate just yet. Despite the relative flattening of the curve, malayo pa rin tayo sa kaligtasan at tagumpay,” ayon kay Remulla.
Sinabi ng gobernador na dahil sa nakaraang pagdagsa ng mga tao sa mga mall, Christmas gatherings, inuman ng mga barkada at iba pang holiday celebration ay maaaring dumami muli ang kaso ng COVID positive simula January 10 hanggang 14.
Paalala ni Remulla sa mga residente itodo pa rin ang pag-iingat laban sa sakit. (D. Cargullo)