Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 14 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan.

Naganap ang lindol ala 1:21 ng hapon ng Lunes, August 17.

May lalim na 10 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity II – Irosin and Bulusan, Sorsogon

Instrumental Intensities:
Intensity II – City of Masbate; Legazpi City, Albay
Intensity I – Naval, Biliran

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks. (END)

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *