Carranglan, Nueva Ecija niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Nueva Ecija.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 7 kilometers southwest ng bayan ng Carranglan, alas 7:15 ng gabi ng Miyerkules, May 12.
4 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – San Mateo, Rizal
Intensity II – Quezon City, Metro Manila
Hindi inaasahang magdudulot ng pinasala at aftershock ang pagyanig.