Caloocan City LGU nakipagkasundo na sa AstraZeneca para sa advance purchase ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine

Caloocan City LGU nakipagkasundo na sa AstraZeneca para sa advance purchase ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine

Lumagda na din ng kasunduan sa United Kingdom-based company na AstraZenica ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan sa ito ay para sa advance purchase ng COVID-19 vaccine para sa mamamayan ng Caloocan.

Ayon kay Malapitan hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng Pamahalaang Lungsod sa AstraZeneca bilang bahagi ngCOVID-19 vaccination program ng lungsod.

“Tuluy-tuloy ang ating paghahanda para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Nakikipag-ugnayan tayo sa mga pharmaceutical company upang matiyak na makakakuha tayo ng bakuna pag ito ay aprubado na ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration,” ayon sa alkalde.

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *