Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Cagayan.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 7 kilometers northwest ng bayan ng Dalupiri Island (Calayan) alas 10:51 ng umaga ngayong Martes, February 9.
Tectonic ang origin ng lindol at 11 kilometers ang lalim.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.