Calatagan, Batangas niyanig magnitude 3.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 16 kilometers southwest ng Calatagan alas 11:36 ng umaga ngayong Miyerkules (Feb. 3).
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 85 kilometers.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity II – Calatagan, Batangas
Intensity I – Tagaytay City, Cavite; Puerto Galera, Oriental Mindoro
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.