Cagayan Police bumuo ng tracker teams para mahanap ang nawawalang policewoman
Bumuo ng tracker teams ang Cagayan Police Provincial Office at Lasam PNP upang mahanap ang nawawalang pulis na si PMSg. Jovelyn Camangeg.
Ayon kay Police Major Reynaldo Viernes, Chief of Police ng PNP Lasam ginagawa lahat ng kapulisan ng lalawigan at PNP Lasam ang mga hakbang upang mahanap ang kinaroroonan ng nawawalang si MSg. Camangeg na kanila ng pinaghahanap mula pa noong Pebrero 19.
Ayon pa kay Major Viernes, ang pagbuo ng mga tracker teams ng CPPO at PNP Lasam ay upang masuyod ang lahat ng posibleng kinaroroonan ng nawawalang pulis at malaman kung ano nga ba ang sinapit nito.
Nakipag-ugnayan na din ang puplisya sa sa lahat ng mga bayan sa lalawigan at karatig probinsiya upang makita sa mga CCTV.
Sa ngayon ay dalampung (20) araw ng nawawala ang nasabing pulis.
Umaasa naman ang mga kamag-anak nito at mga kapwa pulis ni Camangeg na ito ay buhay pa at muling makakauwing ligtas sa kanyang pamilya at dalawang anak.