Burgos, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ang pagyanig sa layong 68 kilometers northeast ng bayan ng Burgos 5:41 ng umaga ng Martes, June 8.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Dapa, Surigao del Norte
Intensity II – Palo, Leyte
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala, pero ayon sa Phivolcs maaring makapagtala ng aftershocks.