Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 59 kilometers northeast ng bayan ng Burgos alas 12:41 ng tanghali ng Miyerkules, June 10.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at 2 kilometers ang lalim.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.