Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 73 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, 8:14 ng umaga ngayong Miyerkules (Jan. 20).
Ayon sa Phivolcs, 7 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (D. Cargullo)