Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 45 kilometers northeast ng bayan ng Burgos alas 4:44 ng hapon.
10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.