Burger King UK nag-sorry matapos umani ng batikos ang tweet na “Women belong in the kitchen”

Burger King UK nag-sorry matapos umani ng batikos ang tweet na “Women belong in the kitchen”

Sa paggunita ng Araw ng Kababaihan” naging kontrobersiyal ang tweet ng Burger King UK.

Nakasaad sa tweet na “Women belong in the kitchen” na hindi nagustuhan ng mga netizen at umani ng batikos.

Dahil sa mga batikos, nagpasya ang Burger King UK na burahin ang nasabing tweet, bagaman kumalat na ang screenshots nito.

Nag-isyu din ng paumanhin ang Burger King UK.

Batay sa kanilang paliwanag, ang nais nilang bigyang-pansin sa nasabing tweet ang katotohanan na 20 percent lamang ng professional chefs sa UK kitchens ang babae.

Dahil dito, nais nilang tumulong at magbigay ng culinary scholarships sa mga kababaihan.

Ayon sa Burger King UK, batid nilang mali ang kanilang inisyal na tweet at humihingi sila ng paumanhin.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *