Buong bansa apektado ng ITCZ – PAGASA
Apektado ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang buong bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, September 1, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, at Aurora.
Babala ng PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.
Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa. (DDC)