BuCor hindi nagustuhan ang portrayal ni Jaclyn Jose bilang pinuno ng jail facility; casts at executives ng “Ang Batang Quaipo” humingi ng paumanhin

BuCor hindi nagustuhan ang portrayal ni Jaclyn Jose bilang pinuno ng jail facility; casts at executives ng “Ang Batang Quaipo” humingi ng paumanhin

Nakipag-usap ang executive at casts ng television series na “Ang Batang Quiapo” sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tuligsain ng ahensiya ang ilang eksena sa serye na nagdulot ng alalahanin sa mga opisyal at empleyado nito.

Sa isinagawang courtesy call nina ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes, Mark Lapid at ang aktor na si Coco Martin sa mga opisyal ng BuCor ay humingi sila ng paumanhin sa ahensiya at siniguro nilang hindi nila intensiyon sirain ang reputasyon ng BuCor at kanyang mga opisyal.

Hiniling ni Lapid sa Bucor officials na bigyan sila ng panahong makapag-adjust hanggang sa Disyembre.

Sinabi ni Lapid na walang intensyon ang programa na manira o makasakit ng mga opisyal at empleyado ng BuCor.

Ayon kay Catapang ang pulong ay hiniling ng mga executive at casts ng “Ang Batang Quiapo” matapos sumulat ang Bucor sa pamamagitan ni Deputy Director General for Administration, Atty. Al Perreras kaugnay ng natanggap nitong pagkondena ng Bucor officials at mga empleyado na nakapanood sa programa.

Ayon kay Perreras na habang ang palabas ay gumagamit ng ibang pangalan ng ahensya, hindi maitatanggi na tumutukoy sa National Penitentiary ang ilang mga eksena na kunwari ay kuha sa isang bilangguan.

Aniya maraming okasyon na sa BuCor kung saan nakita ng ahensiya ang linya ng kuwento ay mali na nagbigay alalahanin sa BuCor at hindi nagustuhan ng mga empleyado na nakapanood nito.

Sa nasabing programa, gumaganap si Jose bilang pinuno ng isang jail facility kung saan nakakulong si Martin bilang si “Tanggol”.

Ang bahagi ng programa na labis na ikinabahala ng BuCor ay ang pagpayag na makalabas ang ilang mga bilanggo na inuupahan para pumatay.

Sa September 22 episode, ang bilanggo na si “BONG” na ginampanan ni Vandolph Quizon at mga actor na nagsilbing mga opisyal ay nagsabwatan sa pagpatay sa isang Congressman sa pamamagitan ng kautusan ng “Chief Espinas” na ginampanan ng Jose.

Mayroon ding mga eksena sa programa na ang mga artista ay nagsilbing Corrections Officers suot ang uniporme na katulad ng mga isinusuot ng BuCor Commissioned at Non-Commissioned officers. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *