BSP nagbabala sa publiko sa pag-imprenta ng larawan ng Philippine currency banknotes

BSP nagbabala sa publiko sa pag-imprenta ng larawan ng Philippine currency banknotes

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-imprenta ng mga larawan ng pera.

Sa ilalim ng BSP Circular No. 829, Series of 2014, ang pag-reproduce ng anumang legal tender Philippine currency banknotes nang walang otorisasyon mula sa BSP ay may katapat na parusa.

Ang sinumang mahuhuli ay maaring mapatawan ng hanggang 10 taon na pagkakabilanggo.

Ginawa ng BSP ang paalala matapos maaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at BSP Payments and Currency Investigation Group (PCIG), ang ilang suspek na nagbebenta ng inimprentang the 1000-Piso New Generation Currency banknote.

Sa ilalim ng polisiya, maaring mapayagan ang pag-reproduce o pag-imprenta ng Philippine banknotes kung may approval mula BPS at gagamitin ito sa educational, historical, numismatic, newsworthy, o iba pang kahalintulad na pakay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *