BRP Tubbataha nakarating na sa Central Visayas lulan ang mga relief supplies para sa Bohol

BRP Tubbataha nakarating na sa Central Visayas lulan ang mga relief supplies para sa Bohol

Nakarating na sa Central Visayas ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) lulan ang mga suplay para sa mga nasalanta ng Typhoon Odette.

Dala ng barko ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang generator sets, medical supplies, gamot, at kahun-kahong canned goods at instant noodles.

Dinala ang nasabing relief supplies sa PCG District Central Visayas para sa agarang pamamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol.

Ang relief transport mission na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa agarang pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Odette. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *