BRP Gabriela Silang biyaheng Bicol na para magdala ng relief supplies
Bibiyahe patungong Bicol ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) mula Maynila para maghatid ng relief supplies sa mga naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Nagmula pa ng Bacolod ang naturang barko kung saan ito pansamantalang nagkanlong para makaiwas sa pinsala ng nagdaang bagyo.
Agad itong bumiyahe pa-Maynila para makatulong sa relief operation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pagkadaong sa Port Area, Maynila, agad na isinakay sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ang mga sumusunod na relief supplies na inihanda ng DSWD:
– 3,000 kahon ng food packs
– Halos 4,000 bote ng purified drinking water
– Karagdagang 400 galon ng mineral water
– 2,000 kahon ng kitchen kit
– 1,000 kahon ng hygiene kit
– 450 piraso ng sleeping kit
– 450 piraso ng mosquito net
Naghanda rin ang PCG at PCG Auxiliary ng karagdagang relief supplies tulad ng food pack, saku-sakong bigas, at de lata.