BRP Gabriela bibiyahe patungong Surigao para maghatid ng relief goods
Maglalayag bukas araw ng Miyerkules (February 24) patungong Surigao ang BRP Gabriela ng Philippine Coast Guard.
Ito ay para maghatid ng relief supplies sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Auring sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Ngayong araw naikarga na ng mga tauhan ng Coast Guard ang unang batch ng relief supplies sa BRP Gabriela.
May mga relief supplies din na mula sa Department of Social Welfare and Development na isasakay sa barko.
Patuloy din sa pagtanggap ng relief supplies ang coast guard para sa mga nasalanta ng bagyo.
Partikular na kailangan ng mga residenteng naapektuhan ay ang mga sumusunod:
1) food packs
2) purified drinking water
3) hygiene kits / toiletries
4) tents and sleeping kits
5) rubbing alcohol