Broadcaster na si Doris Bigornia inatake sa puso; sasailalim sa open heart surgery
Inatake sa puso ang broadcaster na si Doris Bigornia.
Kinumpirma ito ng kaniyang co-host sa DZMM na si Alvin Elchico.
Sa kanilang programang SRO sa DZMM Teleradyo, inanunsyo ni Elchico ang nangyari kay Bigornia.
Ayon kay Elchico, Linggo ng gabi nang atakihin sa puso si Bigornia at isinugod sa ospital.
Nasa Intensive Care Unit aniya ng ospital si Bigornia at kakailanganin na sumailalim sa open heart surgery.
Humihingi aniya ng dasal ang pamilya ni Bigornia.