BREAKING: US isinama sa ipinatutupad na travel ban ng pamahalaan

BREAKING: US isinama sa ipinatutupad na travel ban ng pamahalaan

Nagpatupad na din ng travel ban ang pamahalaan sa mga biyaherong galing ng Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batay ito sa rekomendasyon ng Department of Health at ng Department of Foreign Affairs kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagkakaroon na ng kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa US.

Ayon kay Roque, lahat ng dayuhan na galing sa US ay hindi na papayagang pumasok sa bansa mula 12:01AM ng January 3, 2021 hanggang January 15, 2021.

Ang mga dayuhang pasahero na galing ng US o nagtungo sa US sa nakalipas na 14 na araw at darating sa Pilipinas bago mag 12:01AM ng January 3, 2021 ay papayagan pa ding pumasok sa bansa.

Pero sasailalim sila sa istriktong 14 na araw na quarantine period kahit pa negatibo sila sa RT-PCR test result.

Ang mga Filipino citizens na galing sa US o nagtungo sa US sa nakalipas na 14 na araw ay papayagan pa ding pumasok sa bansa at hindi sila sakop ng ban.

Pero sasailalim sila sa absolute facility-based 14-day quarantine period kahit negatibo ang kanilang RT-PCR test result. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *