BREAKING: Sen. Bong Revilla Jr. positibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Senator Bong Revilla Jr.
Inanunsyo ito mismo ng senador sa kaniyang Facebook page.
Ayon sa senador, maayos naman ang kaniyang kondisyon, maging ang kaniyang asawa at kanilang mga anak.
“Nakakalungkot po na balita – I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat,”.
Sinabi ni Revilla na nagpasailalim sila sa COVID-19 test at agad nag-isolate matapos na isang kasambahay nila at isang staff niya ang magpositibo sa sakit.
Huli siyang nagtungo sa senado noong Lunes, at huling lumabas noong Martes noong ika-40 araw ng kamatayan ng kaniyang ama.
Sinabi ni Revilla na magpapatuloy ang kaniyang pagsailalim sa quarantine.
“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito. Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers,” dagdag ng senador.